"A mighty pain to love it is,
And 'tis a pain that pain to miss;
But of all pains, the greatest pain
It is to love, but love in vain."
Ayon yan kay Abraham Cowley isang English poet. Hindi ko na matandaan kung ano ang mga naisulat n'ya. Natiyempuhan ko lang naman yang poem na 'yan sa aking pagse-surf sa internet kung ano ba ang love obsession. Pakiramdam ko kasi, kailangan kong maintindihan ang meaning ng love obsession at kung paano ito gagamutin.
O sabihin na nating, paano ko gagamutin ang sarili ko?
Hindi ko akalain, na ang isang inakala kong myth na sakit ay mararanasan ko. Hindi ko lubusang maisip na pwede ngang mangyari sa akin ito. Sabi sa nabasa ko, ang obsession daw ay maaring ma-develop mula pagkabata. Pwede rin itong isang genetic disorder, dahilan sa naranasang addiction ng mga magulang. Maaring addiction sa sigarilyo, sa alak, sa drugs o sa sex. Ang genes na na-develop ng mga bad habits na ito ng magulang ay naipapasa sa mga anak o offspring. Ang mga anak ang may tsansang mag-develop nito hanggang sa pagtanda.
Pwede rin naman daw na ang isang pangit na experience ng bata, tulad ng kakulangan ng atensyon at pagmamahal, o abandonment, ang maging dahilan ng obsession disorder.
Hindi ko alam kung gaano katotoo ang mga ito. Sa naranasan ko, hindi ka dapat totally naniniwala sa mga nakukuha sa internet. Malay natin, baka ang author nito e si manong security guard. Walang magawa kapag duty nya sa gabi kaya nakakagawa ng kung anu-anong kwento at nai-publish pa sa internet.
Pero kung ano pa man ang dahilan ng obsession, totoo itong nangyayari at ito'y naranasan ko. At hindi ito biro. Gusto mong maintindihan kung gaano ito kahirap? Ganito ang nangyari sa akin.
May naka-relasyon ako, si Maria Rogelia De Castro. Siya si Gel, ang babaeng naging sentro ng buhay ko ng nakaraang mahigit dalawang taon. Masasabi kong naging compatible kami sa maraming bagay. Magkasundo sa kalokohan. Magkasama sa tawanan. Limang taon ang age gap namin, pero siguro dahil may pagka-isip bata ako, hindi ito naging problema sa amin. Noong una.
Sa edad nyang 25, pangatlo ako sa naging boyfriend nya. Dumating ako sa panahon na broken hearted siya. Natutuwa ako sa kanya noon dahil talaga namang maganda s'ya. Sigurado ako dito kasi, napakaraming kaopisina nya ang nagsasabi na gusto s'ya.
Maputi, five feet ang taas, may magandang mukha na maikukumpara mo kay Aiko Melendez o Hilda Koronel noong kasikatan nila. Medyo mataba, pero mas tamang sabihing chubby sya. Malaki ang balakang, lalo na ang butt na nakausbong kung maglakad. May kalakihan ang hita, pero siguro, mas nakadagdag ito sa kanyang "sexiness". Masasabi ko rin na mas malaki sa pangkaraniwan ang kanyang boobs. Medyo chubby sya pero umaapaw ang lakas ng appeal. Parang bibe ba? Parang nga.
Mabait, malambing, at punum-puno ng buhay ang mga tawa at mga biro nya. Yan si Gel. Madali kang mai-in-love sa kanya.
Marami akong na-discover sa kanya noong naging kami na. Bagay na hindi mo iisipin na pwede pala. Na kaya n'ya pala. Nakakatuwang isipin na ako ang nagturo sa kanya ng maraming bagay, lalo na sa puntong sex.
Sa loob ng dalawang taon, marami kaming ginawa. Maraming nasubukan. Maraming pinagsaluhan. Pagdating sa sex, si Gel ay isang estudyante na gustong maging summa cum laude. At ako ang kanyang galak na galak na professor.
Siguro kung missionary position lang ang kinawilihan naming posisyon pag dating sa pagtatalik, hindi rin siguro kami mag-e-enjoy ng husto dito. Pero yung willingness namin na mag-eksperimento, yun yung naging daan para ma-discover namin ang aming sensuality. At dito unti-unti kong na-develop ang sobrang pagmamahal sa kanya. Na sa bandang huli nga ay nauwi sa obsesyon.
After two years, marami ang nagbago. Lalo na sa kanya. Dagdag pa dito ang complexity ng aming relasyon kaya unti-unti, pilit syang kumakawala sa akin. Ayoko din naman na pilitin pa s'ya to stay with me. Ayokong isipin na kasama ko s'ya dahil napipilitan na lang. Pero hindi pala ganoon kadali ang mag-sakripisyo. Lalo na kapag mahal na mahal mo na yung taong kailangan mo ng i-give up.
Nag-break kami after more than two years. We agreed to remain friends. Sabi nya mahal pa rin daw nya ako pero hindi na din ako sigurado dito. Isa sa napagkasunduan namin ay ang hindi muna nya pag-e-entertain ng manliligaw within three months. At ang hindi nya pagkakaroon ng boyfriend within 6 months. Okay na siguro ito. Naisip ko, after 6 months siguro, kaya ko na. Hindi pala.
Matapos kaming mag-break, patuloy kaming nagkikita. Hindi na nga lang kasing dalas tulad ng dati. Siguro din, kaya kami nagkikita pa e dahil nakasanayan na. At sa bawat pagkikita na 'yun, nag-e-eksperimento pa rin kami. Ginagawa pa din namin. Ito ang naging mali. Dahil hindi ako naka-move-on, pero ang bilang nya sa 3 months, hindi na nag back to zero.
Unti-unti na din s'yang nagbago. Pangyayari na nagdulot sa akin ng matinding anxiety at depression. Hindi ako makapagkatulog. Oo nga, nagkikita pa rin naman kami pero pahirapan na ang magpa-schedule sa kanya ng "meet up". Kahit pa sabihing pag nagkikita kami e ginagawa pa din namin 'yung paborito naming ritwal, ramdam ko na parang malayo na s'ya sa akin. She's drifting away.
Dumating yung pagkakataon na alam ko namang darating pero hindi ko pa din napaghandaan. Three weeks after our last steamy encounter, may nakilala siya. Madali silang nagkapalagayan ng loob. Ayon sa kwento nya, nakakatuwa daw itong lalaking ito. Magaan daw ang loob nya. Akala ko, kaya ko nang tanggapin ang kwento n'ya. Mali na naman ako.
The next two weeks proved to be very difficult for me, as my anxiety and depression worsen. Hindi na ako makatulog ng mahigit sa apat na oras sa isang araw. Hindi ko matanggap na ang babaeng itinuring kong akin ay magiging pag-aari na ng iba.
Dumating ang araw na hindi ko inasahang mangyayari sa akin. Naramdaman ko na magkikita sila noong araw na 'yun, Biyernes. Nag-text ako sa kanya ng bandang 7:30 PM. Oras yan na alam ko na hawak n'ya ang cellphone n'ya. Makalipas ang 30 minutes, wala pa ring reply. Tumawag ako. Walang sagot. Tumawag ulit ako ng makatlong ulit pa. Wala pa ring sagot.
Maya-maya pa, tumawag s'ya. Nasa dinner daw s'ya. Tanong ko, bakit hindi ka man lang mag-reply? Sabi n'ya, may mga kasama daw s'ya. Tinanong ko kung kasama yung manliligaw nya. Oo daw, pero grupo daw sila. Pakiramdam ko nabastos ako. Parang wala man lang siyang pakundangan sa pagkatao ko. Ano ba naman yung mag-text para sabihing mamaya na lang kami magusap? Nagalit ako. Nagtalo kami.
Dala ng matinding selos, marami akong masasakit na nasabi sa kanya. May mga nasabi din sya sa akin na talaga namang nakapagpalubog sa ego ko. Naawa ako sa sarili ko. Hindi na naman ako nakatulog noong gabing iyon.
Nagkita kami ng sumunod na araw, Sabado. Para pagusapan, siguro sa huling pagkakataon, kung ano na ang dapat pa naming gawin. Hindi naging maayos ang usapan. Iritable sya at maikli na ang pasensya ko. Wala nga kasi akong halos naitulog. Hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari.
Nasa loob kami ng kotse nya. Nagumpisang magtalo. Nagpalitan ng masasakit na salita. Pero ang higit na nakasakit sa akin ay ang mga salita n'yang ito:
"You think highly of yourself!"
"Hindi mo ako pag-aari!"
Natahimik ako. Wala na akong masabi. Pakiramdam ko, wala akong sasabihin na mauunawaan n'ya. Mula sa kanyang tabi, kinuha ko ang kanyang bag. Binuksan. Nakita ko ang hinahanap ko. Kinuha ko ang cellphone n'ya. Sa puntong ito, hindi magawa ni Gel na makapagsalita. Alam n'ya na galit ako.
Binasa ang nasa inbox. Nakita ko ang text messages sa kanya noong lalaki. Nagdilim ang paningin ko. Sinubukan kong tawagan. Inagaw nya ang cellphone. Hinablot ko ulit. Nagsusumigaw si Gel. Hinawakan ko sya sa leeg, madiin, at sinigawan, minura. Pagkatapos, pinunit ko ang kanyang blouse at pilit na nilamutak ang kanyang boobs.
Wala na ako sa katinuan. Hindi na ako ito. Mali na ang aking ginagawa. Kailangan kong magising.
Nakita ko s'yang umiiyak, takot na takot. Natauhan ako. Hindi ko alam kung paano kami nakalabas sa lugar na 'yon. Hindi ko din alam kung paano ako nakauwi. Ang alam ko lang, malaki ang naging damage nito sa pagka-tao ko. Binangungot ako ng gabing 'yon. Paulit-ulit na nag-flash back sa memory ko ang mga pangyayari. Ginusto kong huwag ng magising.
Binalot ako ng matinding emosyon. Nagbalik-tanaw ako sa nakaraang dalawang taon. Hindi ako makapaniwala!
I can't believe something so beautiful will end like this. I remember how she gave me a high. The time spent with her was the best two years of my life. That day was the darkest day of my life. But I should have known before that she is already a lost battle and I should have just accepted this defeat graciously. It takes a man to accept defeat. It only showed that I was not man enough, contrary to how I looked at myself before.
That day, I saw someone not so like me. I saw a godless person blinded by envy and jealousy. I was led to this self-destruction by my own selfishness. Recent incidents have taken away my self-esteem, and may have probably caused irreparable damage to my being. Until when should I suffer? Up to where this path of self-destruction will lead me?
I want to move on. I want to carry on. I want to be free. I want to be myself.
Paano nga ba ang mag-move on? Paano ko ba gagamutin ang aking obsession? Siguro dapat ko munang makilala ang aking pagkatao.
Ako si Luis Arguelles at ito ang simula ng aking kwento.
Next: Chapter 2: Awakening
Nice start! I like how you started the story and graciously closed it for continuation.
TumugonBurahinThanks, Carmela! I will try to continue this story with the same passion and intensity until the end.
TumugonBurahin